Estilisadong mapa ng mundo bilang background na kumakatawan sa pandaigdigang saklaw ng HeyGen sa paggawa ng video gamit ang AI

Abutin ang pandaigdigang madla
sa ilang sandali, hindi buwan

Paglalagay
Resulta
Tagapili ng wika

Sabay-sabay na abutin ang mga bagong merkado sa pamamagitan ng pag-localize ng anumang video sa mahigit 175 wika at diyalekto, na may eksaktong pagtutugma ng galaw ng labi sa pananalita at natural na emosyon.

Logo ng G2
4.8
Icon na bituin na nagpapakita ng rating mula sa mga review ng customer
Icon na bituin na nagpapakita ng rating mula sa mga review ng customer
Icon na bituin na nagpapakita ng rating mula sa mga review ng customer
Icon na bituin na nagpapakita ng rating mula sa mga review ng customer
Icon na bituin na nagpapakita ng rating mula sa mga review ng customer
Mahigit 1,000 review
Pribado at Ligtas
|Mga Kontrol sa Pamamahala ng AI
|SOC 2
|GDPR
|CCPA
|Balangkas sa Pagkapribado ng Datos
|Mga Pamantayan ng AI Act
Pinagkakatiwalaan ng mga nangungunang kumpanya sa mundo ang HeyGen
Bakit HeyGen

Dinisenyo para matugunan ang pinakamahihirap mong hamon sa lokalisasyon 

Kumpiyansang babae na nakasuot ng blazer na may disenyong plaid sa harap ng asul na backdrop ng studio, na kumakatawan sa isang AI video avatar ng HeyGen
Pokus
mga pagsasalin
Pag-clone

Abutin ang buong mundo nang mas mabilis kaysa dati

Hindi mo na kailangang maghintay nang ilang linggo o gumastos nang malaki sa mga dubbing studio para makapasok sa mga bagong merkado. Sa HeyGen, madali mong maiangkop ang de-kalidad na mga video sa lokal na wika at kultura para manatiling nangunguna sa kompetisyon at masulit ang bawat pagkakataon sa oras na dumating ito.

Panatilihing buo ang pagkakakilanlan ng iyong brand 

Tiyaking bawat video na iniangkop sa lokal na wika ay tumpak na sumasalamin sa tono, terminolohiya, at mensahe ng iyong brand. Sa aming advanced na lip-sync at pagkopya ng boses, natural at pulido rin ang karanasan sa panonood na nagpapatibay ng tiwala at nagpapalawak ng abot ng iyong mensahe sa buong mundo.

Ilipat ang iyong badyet sa pagpapalago ng negosyo 

Iwan na ang matrabaho at mano-manong lokalisasyon at ilaan ang iyong mga mapagkukunan sa mas mahahalagang layunin. Sa pinasimpleng platform ng HeyGen, malaki ang matitipid mo, kaya mas mailalaan mo ang iyong badyet sa epektibong marketing at mga malikhaing inisyatibang nagdudulot ng tunay na paglago, hindi lang sa pagpapanatili ng kasalukuyang operasyon.

Tuloy-tuloy at ligtas na pagtutulungan 

Bumuo ng maaasahang workflow para sa pagtutulungan. Nag-aalok ang platform ng HeyGen ng seguridad na pang-enterprise at mahigpit na kontrol sa pag-access para matiyak ang pagsunod sa mga pandaigdigang pamantayan sa proteksyon ng data gaya ng GDPR, SOC 2 Type II, at iba pa.

Mga kuwento ng aming mga customer

May dahilan kung bakit ito ang pinakamabilis lumagong produkto sa G2 

Mula sa masalimuot na mga proseso tungo sa mas pinadaling lokalisasyon

Bago ang HeyGen

Cross icon

Mabagal at kumikilos lang kapag may problema

Inaabot ng ilang linggo o buwan ang mga video project, kaya nahihirapan ang team mong makasabay at manatiling napapanahon.

Cross icon

Magastos na pag-asa sa iba

Ang labis na pag-asa sa mamahaling serbisyo at mga tool sa pagsasalin ay nagpapalaki ng gastos mo sa lokalisasyon.

Cross icon

Hindi pare-parehong branding

Ang pagpapanatiling pare-pareho ng mensahe at mga terminong ginagamit ng brand sa iba't ibang rehiyon ay isang tuloy-tuloy at nakakapagod na hamon.

Cross icon

Masalimuot na koordinasyon

Ang pakikipag-ugnayan sa maraming stakeholder (sa loob at labas ng kumpanya) at pamamahala ng mga pagsasalin ay nagdudulot ng mga abala at pagkaantala.

Cross icon

Sakit sa ulo ang pagpapalawak

Hindi kayang sumabay ng proseso mo ng lokalisasyon sa dumaraming gawain mula sa mga team sa buong organisasyon.

Cross icon

Mga nasayang na pagkakataon

Nawawalan ng mahahalagang customer dahil hindi nakaangkop ang content mo sa kanilang wika at pangangailangan.

Pagkatapos gamitin ang HeyGen

Tick icon

Mabilis at may pagkukusa

Iangkop ang mga video sa lokal na wika at kultura sa loob lang ng ilang oras, para makakilos ang iyong team nang mabilis at epektibo.

Tick icon

Episyenteng pasok sa badyet

Gamitin ang mga pagsasaling pinapagana ng AI para malaki ang matipid sa gastos sa lokalisasyon.

Tick icon

Mas madaling panatilihing pare-pareho ang iyong brand

Madaling mapanatili ang mga pandaigdigang pamantayan ng iyong brand (kasama ang mga termino) sa lahat ng nilalamang iniangkop mo sa lokal na wika at kultura.

Tick icon

Tuloy-tuloy na pagtutulungan

Madaling pamahalaan ang mga daloy ng trabaho at pakikilahok ng mga stakeholder gamit ang mga tool para sa kolaborasyong madaling gamitin.

Tick icon

Walang hanggang mga posibilidad

Palawakin ang abot ng iyong negosyo sa mga bagong merkado nang walang abala at hindi isinasakripisyo ang kalidad ng iyong brand.

Tick icon

Pagbubukas ng mga oportunidad para sa paglago

Gawing susi sa paglago ng kita ang lokalisasyon sa pamamagitan ng pag-angkop sa wika at kultura ng mga customer.

Pangunahing feature

Abutin ang mga pandaigdigang merkado sa pamamagitan ng lokalisasyon

Mag-book ng demo
Sabay-sabay na pagsasalinKit ng Brand at BosesMga captionPagtutugma ng galaw ng labi sa bosesSuriin ang tekstoPag-clone ng Boses

Seguridad na pang-enterprise
para sa iyong mga pinakasensitibong proyekto

Sa HeyGen, naniniwala kaming ang makabagong teknolohiya ng AI ay dapat may pinakamataas na pamantayan ng seguridad at etika mula pa sa simula. Tinitiyak ng aming dedikadong pangkat para sa Tiwala at Kaligtasan na ligtas ang iyong data at ginagamit ang aming AI sa etikal na paraan.

Matibay na seguridad

Matibay na seguridad

Mula sa unang pag-upload hanggang sa huling paghahatid, protektado ang iyong data ng mga nangungunang protocol sa seguridad sa industriya.

Sertipikadong pagsunod sa mga pamantayan

Sertipikadong pagsunod sa mga pamantayan

Ganap na sumusunod sa mga pamantayan ng SOC 2 TYPE II, GDPR, CCPA, Data Privacy Framework, at AI Act.

Patuloy na pagpapahusay

Patuloy na pagpapahusay

Patuloy naming pinapahusay ang aming mga hakbang sa seguridad upang mapaghandaan at mabawasan ang mga bagong banta.

G24.81000+ review
Trust badgeTrust badgeTrust badgeTrust badgeTrust badge
Sentro ng Nilalaman

Mga Sanggunian

Paano inaangkop ng trivago ang mga ad nito para sa 30 merkado

Paano iniangkop ng trivago ang mga ad para sa 30 merkado

Ginamit ng Trivago ang HeyGen para lubos na paikliin ang oras ng produksyon, bawasan ang gastos, at iangkop ang mga ad para sa 30 merkado nang mas mabilis kaysa dati, habang pinananatiling pare-pareho ang mukha ng brand sa buong mundo.

Paano napababa ng Würth Group ang mga gastos nang 80%

Paano napababa ng Würth Group ang mga gastos nang 80%

Gamit ang HeyGen, gumagawa ang Würth ng mga propesyonal na AI video sa mahigit 10 wika, na nagbabago sa paraan ng pagsasanay nila sa mga empleyado at pakikipag-ugnayan sa mga team sa buong mundo.

Paano naiaangkop ng Workday ang content sa lokal na wika sa loob lang ng ilang oras

Paano naglo-localize ng content ang Workday sa loob lang ng ilang oras

Pinaikli ng Workday ang oras ng lokalisasyon mula sa ilang buwan tungo sa ilang oras gamit ang HeyGen, kaya mas mabilis na nakakagawa ng mga video sa 10–15 wika sa bawat proyekto.

icon
icon
icon
icon
icon

Ikonekta ang mga paborito mong tool o gumawa ng sarili mo

Madaling isama sa kasalukuyan mong daloy ng trabaho para mapabilis at mapasimple ang paggawa ng video. O bumuo ng daloy ng trabahong akma sa iyong team gamit ang API ng HeyGen.

Tuklasin ang lahat ng integrasyon
icon
icon
icon
icon
icon

Mag-book ng 30 minutong demo ng HeyGen

Kumuha ng pangkalahatang presentasyon ng HeyGen na angkop sa iyong mga pangangailangan
Pakinggan ang mga kuwento ng tagumpay ng aming mga customer
Alamin ang mga opsyon sa pagpepresyo

May mga tanong ka ba? May mga sagot kami

Paano gumagana ang AI sa pagsasalin ng wika para sa mga video?

Gumagamit ang AI sa pagsasalin ng wika ng mga advanced na algorithm para isalin ang sinasalitang teksto sa iba't ibang wika at itugma ang mga subtitle o voiceover sa video. Tinitiyak nito ang mabilis at tumpak na pag-aangkop ng mga video para sa mga merkado sa buong mundo, kahit gaano karami ang kailangang iproseso.

Ano ang pinakamahuhusay na AI tool sa wika para sa lokalisasyon ng video ng mga negosyo?

Pinagsasama ng pinakamahusay na mga AI tool para sa wika ang pagsasalin, transkripsyon, at pagda-dub ng video gamit ang AI para makagawa ng nilalamang may pare-parehong mataas na kalidad sa maraming wika. Ginagamit ito ng malalaking negosyo para mahusay na mapalawak ang pag-aangkop ng nilalaman para sa mga merkado sa buong mundo.

Paano mapapabilis ng pag-aangkop ng mga video sa lokal na wika at kultura gamit ang AI ang pagpasok sa mga bagong merkado?

Mabilis na isinasalin at inaangkop ng AI video localization ang content para mas mabilis na makapasok ang mga brand sa mga bagong rehiyon. Napapabilis nito ang paglulunsad habang tinitiyak na angkop sa lokal na kultura ang mensahe.

Ano ang video dubbing na pinapagana ng AI at paano ito naiiba sa mga tradisyonal na paraan?

Awtomatikong isinasalin ng AI-powered na video dubbing ang boses nang may natural na tono at tugmang galaw ng labi, di tulad ng magastos na tradisyonal na dubbing. Nagbibigay ito ng de-kalidad na lokalisasyon na madaling palawakin para sa mga merkado sa buong mundo.

Paano nakakatulong ang pag-angkop ng content para sa mga pandaigdigang merkado para mas mahikayat ang mga manonood na makibahagi?

Ang lokalisasyon para sa mga pandaigdigang merkado ay tumutulong sa iyong makaugnayan ang mga manonood sa sarili nilang wika, na nagpapalakas ng tiwala, pakikipag-ugnayan, at katapatan sa brand. Sa tulong ng AI, nagiging madali ang lokalisasyon ng video at kaya itong palawakin ayon sa iyong pangangailangan.

Masisiguro ba ng AI video localization na mapapanatili ang boses ng brand sa iba’t ibang wika?

Oo, gumagamit ang AI video localization ng advanced na AI sa pagsasalin para mapanatiling pare-pareho ang tono, estilo, at boses ng brand sa iba't ibang wika, nang sa gayon ay malinaw ang mensahe saanman sa mundo.

Paano nakababawas sa gastos ng mga pandaigdigang video campaign ang AI para sa pagsasalin ng wika?

Inaalis ng AI para sa pagsasalin ng wika ang gastos sa manu-manong pagda-dub at paglalagay ng subtitle sa pamamagitan ng pag-automate ng proseso. Nakakatipid ito habang napapalawak ang pag-aangkop ng mga video sa wika at kultura ng mga merkado sa buong mundo.

Aling mga industriya ang higit na nakikinabang sa video dubbing gamit ang AI?

Pinakamalaking pakinabang sa video dubbing na pinapagana ng AI ang mga industriya tulad ng e-learning, pagsasanay sa mga kumpanya, marketing, at libangan. Kailangan ng mga sektor na ito ng lokalisasyon ng video sa maraming wika na kayang tumugon sa lumalaking pangangailangan ng mga pandaigdigang merkado.

Magsimulang gumawa ng mga video gamit ang AI

Tuklasin kung paano napaparami ng mga negosyong tulad ng sa iyo ang kanilang content at napapalago ang negosyo gamit ang pinakamakabagong AI video.