Si Lev Mills ay isang espesyalista sa pagpapaupa sa 1401 West Paces sa Atlanta, na may 24 na taong karanasan sa real estate. Sa buong karera niya, gumawa siya ng mga video ng paglilibot sa mga property at mga listing, ngunit dahil sa kasalukuyan niyang tungkulin, naging regular na bahagi ng trabaho niya ang paggawa ng content para sa social media.
“Napakarami naming nakukuhang potensyal na kliyente mula sa social media kaya ginawa nilang bahagi ng aming trabaho ang paggawa ng mga video para rito,” sabi ni Lev. “Kailangan naming magkaroon ng presensya sa social media na nag-uugnay sa brand, sa komunidad na pinaglilingkuran namin, o sa property na sinusubukan naming i-market.”
Kailangang mag-publish ni Lev ng hindi bababa sa dalawang video bawat linggo habang ginagampanan ang kanyang mga pang-araw-araw na responsibilidad. Binigyan siya ng HeyGen ng paraan upang gawin ang mga video na iyon gamit ang AI. Pagkatapos, natuklasan niya ang HeyGen White Glove, na nagbigay sa kanya ng katuwang sa paglikha upang makatulong na gawing ganap na content ang kanyang mga ideya.
Ginagawang mga video ang mga ideya gamit ang HeyGen White Glove
Noong una, ginamit ni Lev ang HeyGen para sa mga talking-head video bago siya sumubok ng mas malikhaing content na nauugnay sa mga nangyayari sa Atlanta. Pero gusto pa niyang higitan iyon.
Isang gabing malalim na, napaisip si Lev kung kayang bigyang-buhay ng HeyGen ang isang maliit na karakter na nagngangalang Bailey. Sinubukan niya itong gawin mismo, pero hindi niya makuha ang resultang gusto niya. Noon niya napansin ang White Glove.
Ipinadala ni Lev ang ideya, at tumulong ang White Glove na alamin kung paano ito maisasakatuparan.
“Hindi ko namalayan, nabuo na si Bailey, at parang, ‘Naku po. As in, OMG,’” sabi ni Lev.
Hindi lang si Lev ang nagkaroon ng ganoong reaksiyon.
“Hindi lang ako ang napapa-OMG, pati ang boss ko, ang property manager ko, at ang regional manager ko. Nagsimulang panoorin ng mga may-ari ng komunidad ang mga video ko at sabihin sa akin kung gaano nila nagustuhan ang mga iyon,” sabi niya.
Ang eksperimentong iyon ay nauwi sa isang tuloy-tuloy na malikhaing pagtutulungan, kung saan tinutulungan ng White Glove si Lev na gumawa ng mga video para sa pagmemerkado ng mga apartment, nakaka-inspire na content, at mga bagong konseptong tampok si Bailey.
Pagkakaroon ng creative team nang hindi bumubuo ng sarili
Para kay Lev, ang pinakamalaking bentahe ng White Glove ay inaalis nito ang trabahong kailangan mula sa pagkakaroon ng ideya hanggang sa paglalathala ng isang tapos na video.
Sa halip na siya mismo ang mag-asikaso ng mga prompt, larawan, at produksiyon, maibibigay ni Lev sa White Glove ang mga materyales at direksiyon at makikipagtulungan siya rito upang maisakatuparan ang konsepto.
“Talagang malaking ginhawa para sa akin na hindi ko na kailangang mag-isip ng mga prompt at larawan, at subukang pagsama-samahin ang lahat,” sabi ni Lev. “Pakiramdam ko, ang White Glove ang social media team ko.”
Dahil sa suportang iyon, tuloy-tuloy siyang nakakapag-publish nang hindi bababa sa dalawang beses kada linggo sa Facebook, Instagram, at TikTok.
“Kung maibibigay ko sa kanila ang materyal na kailangan nila, may mga video na akong handa tuwing Martes at Huwebes,” sabi ni Lev. “At napakalaking ginhawa niyon para sa akin.”
Bago ang HeyGen, palaging hamon ang paggawa ng sapat na content.
“Umabot sa puntong sinabi ng property manager, ‘Makinig kayo, kailangan ninyong gawin ang mga video na ito,’” sabi ni Lev. “Mula noon, hindi na namin ito muling napag-usapan. Tuwang-tuwa sila sa mga nakikita nila.”
Paglikha ng nakakaengganyong content na tumatatak sa isip ng mga tao
Nakatulong ang White Glove kay Lev na lumampas sa tradisyonal na pagmemerkado ng mga apartment. Kabilang sa kanyang mga video ang mga abiso tungkol sa mga apartment, pagpapakita ng mga amenity, nakatutuwang konsepto sa pagba-brand, at mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon.
Isa sa mga paborito niya ang nagtatampok ng close-up habang pinapadaan niya ang daliri niya sa ibabaw ng granite countertop.
“Hindi lang basta makatotohanan ang detalye ng mukha ko—parang ako talaga,” sabi ni Lev. “Napaisip ako, ‘Wow, paano nila nagawa iyon?’”
Iyon din ang ipinagtaka ng mga manonood.
"May mga pumupunta sa opisina at nagtatanong, ‘Kapag ginagawa mo ang mga green screen mo, paano mo...?’ At ang sagot ko, ‘Green screen?’ Akala n’yo talaga gumagamit ako ng green screen sa paggawa ng mga video na ito?"
Dahil din sa content, nagiging pamilyar na mukha si Lev sa komunidad.
"May ilan sa aming mga residente na basta na lang pumapasok sa opisina, itinuturo ako, at sinasabing, 'Ay oo nga pala, sikat ka,'" sabi niya.
Nakikita rin ng mga potensyal na residente ang koneksiyong iyon.
"May mga taong pumupunta rito at nagsasabing, 'Kilala kita. Nakita na kita sa social media,'" sabi ni Lev. "Nakabuo na sila ng koneksyon sa akin dahil sa video na naka-post."
May ilang potensyal na kliyente na partikular na binanggit ang video nang pumunta sila para umupa.
"May mga taong pumunta rito at nagsabing, 'Nakita kita sa Instagram, at isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako pumunta rito,'" sabi ni Lev.
Pagtrato sa White Glove bilang isang in-house na team
Sa ngayon, mahigit 94% na ang occupancy ng 1401 West Paces, at nais ni Lev na makatulong ang video na mapanatili ang momentum na iyon habang pumapasok ang merkado sa mga buwang mas mahina ang aktibidad.
Patuloy din niyang tinutuklas ang mga bagong malikhaing posibilidad kasama ang White Glove, kabilang ang mga skit, event para sa mga residente, at mga konseptong tampok siya mismo, si Bailey, at ang yumao niyang Chihuahua na si Bubbles.
“Nasasabik akong makita kung anong mga ideya ang maiisip ko, kung anong mga ideya ang maiisip ng White Glove, at marahil ay ilang ideyang mabubuo ng AI na makatutulong para mapalapit sa amin ang mga tao,” sabi niya.
Para kay Lev, iyon ang dahilan kung bakit napakahalaga ng White Glove. Hindi niya kailangang malaman kung paano isasakatuparan ang bawat ideya bago niya ito ihain.
“Gusto kong patuloy na makipagtulungan sa White Glove at sa inyong team, at tuklasin kung ano pa ang posible,” sabi ni Lev. “Gusto kong makita kung ano pang mga karakter ang maaari nating likhain nang sama-sama at kung ano pa ang magagawa natin para mapalago ang aming brand.”
“Pakiramdam ko, ang White Glove ang social media team ko. Basta maibigay ko sa kanila ang mga materyal na kailangan nila tuwing Martes at Huwebes, may mga video na akong handa. At napakalaking ginhawa niyon para sa akin.”






